1 Mga Taga-Corinto 4

Hindi ko sinusulat ang mga ito para ipahiya kayo, kundi para paalalahanan kayo bilang mga minamahal kong mga anak.

1 Corinthians 4:14 (UKJV) I write not these things to shame you, but as my beloved sons I warn you.

12Nagtatrabaho kami nang husto para mabuhay. Kapag nilalait kami ng mga tao, pinagpapala namin sila. Kapag inuusig kami, tinitiis namin ito.

13Kapag sinisiraan kami, mahinahon kaming sumasagot. Hanggang ngayon, itinuturing kaming mga basura sa mundo.

14Hindi ko sinusulat ang mga ito para ipahiya kayo, kundi para paalalahanan kayo bilang mga minamahal kong mga anak.

15Sapagkat kahit na libu-libo ang gumagabay sa inyo sa inyong pamumuhay Kristiyano, hindi naman ganoon karami ang inyong ama sa pananampalataya. Ako lamang ang naging ama ninyo sa pananampalataya kay Kristo Hesus sa pamamagitan ng Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo.

16Kaya nakikiusap ako na tularan ninyo ako sa aking pamumuhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.