10Dahil kay Kristo, itinuturing kaming mga hangal, ngunit kayo naman ay nag-aakalang marurunong kayo sapagkat nakay Kristo kayo! Kami ay mahihina, at kayo ay malalakas! Kayo ay iginagalang, habang kami naman ay hinahamak!
11Hanggang sa oras na ito, kami ay nagugutom at nauuhaw, nagkukulang sa damit na maisusuot, pinagmamalupitan, at walang matuluyan.
12Nagtatrabaho kami nang husto para mabuhay. Kapag nilalait kami ng mga tao, pinagpapala namin sila. Kapag inuusig kami, tinitiis namin ito.
13Kapag sinisiraan kami, mahinahon kaming sumasagot. Hanggang ngayon, itinuturing kaming mga basura sa mundo.
14Hindi ko sinusulat ang mga ito para ipahiya kayo, kundi para paalalahanan kayo bilang mga minamahal kong mga anak.