1 Mga Taga-Corinto 4

Ngunit kung loloobin ng Panginoon, pupunta ako diyan sa lalong madaling panahon. At titingnan ko kung ano ang magagawa ng mga tao diyan na mayayabang magsalita.

1 Corinthians 4:19 (UKJV) But I will come to you shortly, if the Lord will, and will know, not the speech of them which are puffed up, but the power.

17At dahil nga rito, pinapapunta ko diyan si Timoteo, ang aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon. Ipapaalala niya sa inyo ang tungkol sa pamumuhay ko kay Kristo Hesus, na siya ring itinuturo ko sa lahat ng iglesya saan mang lugar na pinupuntahan ko.

18Ang ilan sa inyo ay nagmamataas na dahil akala nilaʼy hindi na ako pupunta riyan.

19Ngunit kung loloobin ng Panginoon, pupunta ako diyan sa lalong madaling panahon. At titingnan ko kung ano ang magagawa ng mga tao diyan na mayayabang magsalita.

20Sapagkat malalaman natin kung ang isang tao ay pinaghaharian ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga gawa at hindi sa salita lamang.

21Ngayon, ano ang gusto ninyo: Darating akong may pamalo o mahinahon at may pag-ibig?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.