1 Mga Taga-Corinto 4

At dahil nga rito, pinapapunta ko diyan si Timoteo, ang aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon. Ipapaalala niya sa inyo ang tungkol sa pamumuhay ko kay Kristo Hesus, na siya ring itinuturo ko sa lahat ng iglesya saan mang lugar na pinupuntahan ko.

1 Corinthians 4:17 (UKJV) For this cause have I sent unto you Timotheus, who is my beloved son, and faithful in the Lord, who shall bring you into remembrance of my ways which be in Christ, as I teach every where in every church.

15Sapagkat kahit na libu-libo ang gumagabay sa inyo sa inyong pamumuhay Kristiyano, hindi naman ganoon karami ang inyong ama sa pananampalataya. Ako lamang ang naging ama ninyo sa pananampalataya kay Kristo Hesus sa pamamagitan ng Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo.

16Kaya nakikiusap ako na tularan ninyo ako sa aking pamumuhay.

17At dahil nga rito, pinapapunta ko diyan si Timoteo, ang aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon. Ipapaalala niya sa inyo ang tungkol sa pamumuhay ko kay Kristo Hesus, na siya ring itinuturo ko sa lahat ng iglesya saan mang lugar na pinupuntahan ko.

18Ang ilan sa inyo ay nagmamataas na dahil akala nilaʼy hindi na ako pupunta riyan.

19Ngunit kung loloobin ng Panginoon, pupunta ako diyan sa lalong madaling panahon. At titingnan ko kung ano ang magagawa ng mga tao diyan na mayayabang magsalita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.