1 Mga Taga-Corinto 5

Kung sabagay, ano ba ang karapatan kong husgahan ang mga hindi mananampalataya? Ang Diyos na ang huhusga sa kanila. Ngunit tungkulin ninyo na husgahan ang mga kapwa mananampalataya kung tama o mali ang kanilang ginagawa, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Itiwalag ninyo sa inyong grupo ang taong masama.”

10Hindi ko tinutukoy dito ang mga taong hindi sumasampalataya sa Diyos na gumagawa ng imoralidad, sakim, magnanakaw, at sumasamba sa diyos-diyosan. Dahil kung iiwasan ninyo sila, kinakailangan ninyo talagang umalis sa mundong ito.

11Ang tinutukoy ko na huwag ninyong pakikisamahan ay ang mga nagsasabing silaʼy mga kapatid sa Panginoon ngunit mga imoral, sakim, sumasamba sa diyos-diyosan, mapanlait, lasenggo, at magnanakaw. Ni makisalo sa kanila ay huwag ninyong gawin.

12Kung sabagay, ano ba ang karapatan kong husgahan ang mga hindi mananampalataya? Ang Diyos na ang huhusga sa kanila. Ngunit tungkulin ninyo na husgahan ang mga kapwa mananampalataya kung tama o mali ang kanilang ginagawa, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Itiwalag ninyo sa inyong grupo ang taong masama.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.