1 Mga Taga-Corinto 6

Kapag may reklamo ang isa sa inyo laban sa kanyang kapatid sa pananampalataya, nararapat bang magpahatol siya sa hukom na hindi sumasampalataya sa Diyos sa halip na sa kapwa niya mananampalataya? Dapat dalhin niya ito sa mga kapwa niyang sumasampalataya sa Diyos.

1 Corinthians 6:1 (UKJV) Dare any of you, having a matter against another, go to law before the unjust, and not before the saints?

1Kapag may reklamo ang isa sa inyo laban sa kanyang kapatid sa pananampalataya, nararapat bang magpahatol siya sa hukom na hindi sumasampalataya sa Diyos sa halip na sa kapwa niya mananampalataya? Dapat dalhin niya ito sa mga kapwa niyang sumasampalataya sa Diyos.

2Hindi ba ninyo alam na tayong mga hinirang ang hahatol sa mga tao sa mundo? At kung tayo ang hahatol sa mundo, wala ba kayong kakayahang hatulan ang maliliit na bagay na iyan?

3Hindi ba ninyo alam na hahatulan natin ang mga anghel? At tiyak na mas kaya ninyong lutasin ang karaniwang alitan sa buhay na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.