5ipaubaya ninyo kay Satanas ang taong iyon upang mapahamak ang kanyang katawan ngunit maligtas ang kanyang espiritu sa araw ng Panginoon.
6Hindi tama ang pagyayabang ninyo. Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Ang kaunting pampaalsa ay nakakapagpaalsa sa buong masa ng harina”?
7Kaya itapon ninyo ang lumang pampaalsa na walang iba kundi ang kasalanan, upang maging malinis kayo tulad ng bagong masa ng harina. Sa katunayan, talaga namang malinis na kayo, sapagkat ihinandog na si Kristo para sa atin. Tulad siya ng tupa na hinahandog bilang pag-alaala sa Pista ng Paglampas ng Anghel.
8Kaya ipagdiwang natin ang pistang ito hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang pampaalsa kundi ng tinapay na walang pampaalsa na ang ibig sabihin ay talikuran na natin ang dati nating mga kasalanan at kasamaan, at mamuhay na tayo nang malinis at tapat.
9Sumulat ako sa inyo noon na huwag kayong makikisama sa mga imoral.