1 Mga Taga-Corinto 5

Sumulat ako sa inyo noon na huwag kayong makikisama sa mga imoral.

7Kaya itapon ninyo ang lumang pampaalsa na walang iba kundi ang kasalanan, upang maging malinis kayo tulad ng bagong masa ng harina. Sa katunayan, talaga namang malinis na kayo, sapagkat ihinandog na si Kristo para sa atin. Tulad siya ng tupa na hinahandog bilang pag-alaala sa Pista ng Paglampas ng Anghel.

8Kaya ipagdiwang natin ang pistang ito hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang pampaalsa kundi ng tinapay na walang pampaalsa na ang ibig sabihin ay talikuran na natin ang dati nating mga kasalanan at kasamaan, at mamuhay na tayo nang malinis at tapat.

9Sumulat ako sa inyo noon na huwag kayong makikisama sa mga imoral.

10Hindi ko tinutukoy dito ang mga taong hindi sumasampalataya sa Diyos na gumagawa ng imoralidad, sakim, magnanakaw, at sumasamba sa diyos-diyosan. Dahil kung iiwasan ninyo sila, kinakailangan ninyo talagang umalis sa mundong ito.

11Ang tinutukoy ko na huwag ninyong pakikisamahan ay ang mga nagsasabing silaʼy mga kapatid sa Panginoon ngunit mga imoral, sakim, sumasamba sa diyos-diyosan, mapanlait, lasenggo, at magnanakaw. Ni makisalo sa kanila ay huwag ninyong gawin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.