1 Mga Taga-Corinto 6

At ganyan nga ang ilan sa inyo noon. Ngunit nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan at ibinukod na kayo ng Diyos upang maging kanya; itinuring na kayong matuwid dahil sa Panginoong Hesu-Kristo at sa Espiritu ng ating Diyos.

1 Corinthians 6:11 (UKJV) And such were some of you: but all of you are washed, but all of you are sanctified, but all of you are justified in the name of the Lord Jesus, and by the Spirit of our God.

9Hindi ba ninyo alam na hindi mapapabilang ang mga masasama sa kaharian ng Diyos? Huwag kayong palilinlang! Sapagkat kailanmaʼy hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos ang mga imoral, sumasamba sa diyos-diyosan, nangangalunya, nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki o babae.

10Gayundin naman ang mga magnanakaw, mga sakim, mga lasenggo, mga maninirang-puri at mga mandarambong ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos.

11At ganyan nga ang ilan sa inyo noon. Ngunit nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan at ibinukod na kayo ng Diyos upang maging kanya; itinuring na kayong matuwid dahil sa Panginoong Hesu-Kristo at sa Espiritu ng ating Diyos.

12Maaaring may magsabi sa inyo, “Puwede kong gawin ang kahit ano.” Ngunit hindi lahat ng bagay ay nakakabuti sa inyo. Kaya kahit puwede kong gawin ang kahit ano, hindi ako magpapaalipin dito.

13Maaari rin namang sabihin ng iba, “Ang pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay para sa pagkain.” Totoo iyan, ngunit darating ang araw na pareho itong sisirain ng Diyos. Ang katawan ay hindi para sa seksuwal na imoralidad kundi para sa paglilingkod sa Panginoon; at ang Panginoon ang nag-iingat nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.