7Kayo mismo ang talo sa pagkakaroon ninyo ng mga kaso laban sa isaʼt isa. Bakit hindi na lamang ninyo tiisin ang mga gumagawa ng masama at nandaraya sa inyo?
8Ngunit ang nangyayari, kayo pa mismo ang nandaraya at gumagawa ng masama, at ginagawa ninyo ito mismo sa inyong kapatid sa Panginoon.
9Hindi ba ninyo alam na hindi mapapabilang ang mga masasama sa kaharian ng Diyos? Huwag kayong palilinlang! Sapagkat kailanmaʼy hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos ang mga imoral, sumasamba sa diyos-diyosan, nangangalunya, nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki o babae.
10Gayundin naman ang mga magnanakaw, mga sakim, mga lasenggo, mga maninirang-puri at mga mandarambong ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos.
11At ganyan nga ang ilan sa inyo noon. Ngunit nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan at ibinukod na kayo ng Diyos upang maging kanya; itinuring na kayong matuwid dahil sa Panginoong Hesu-Kristo at sa Espiritu ng ating Diyos.