13Maaari rin namang sabihin ng iba, “Ang pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay para sa pagkain.” Totoo iyan, ngunit darating ang araw na pareho itong sisirain ng Diyos. Ang katawan ay hindi para sa seksuwal na imoralidad kundi para sa paglilingkod sa Panginoon; at ang Panginoon ang nag-iingat nito.
14Ang katawan natiʼy muling bubuhayin ng Diyos sa huling araw, tulad ng ginawa niya sa ating Panginoon.
15Hindi baʼt tayong mga mananampalataya ay bahagi ng katawan ni Kristo? Iyan ang dahilan kung bakit hindi talaga natin maaaring gamitin ang ating katawan, na bahagi ng katawan ni Kristo, sa pakikipagtalik sa babaeng bayaran.
16Hindi baʼt ang nakikipagtalik sa ganoong uri ng babae ay nagiging kaisang-katawan na niya? Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, “Silang dalawaʼy magiging isa.”
17At kung nakikipag-isa tayo sa Panginoong Hesu-Kristo kaisa niya tayo sa espiritu.