1 Mga Taga-Corinto 6

Ang katawan natiʼy muling bubuhayin ng Diyos sa huling araw, tulad ng ginawa niya sa ating Panginoon.

1 Corinthians 6:14 (UKJV) And God has both raised up the Lord, and will also raise up us by his own power.

12Maaaring may magsabi sa inyo, “Puwede kong gawin ang kahit ano.” Ngunit hindi lahat ng bagay ay nakakabuti sa inyo. Kaya kahit puwede kong gawin ang kahit ano, hindi ako magpapaalipin dito.

13Maaari rin namang sabihin ng iba, “Ang pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay para sa pagkain.” Totoo iyan, ngunit darating ang araw na pareho itong sisirain ng Diyos. Ang katawan ay hindi para sa seksuwal na imoralidad kundi para sa paglilingkod sa Panginoon; at ang Panginoon ang nag-iingat nito.

14Ang katawan natiʼy muling bubuhayin ng Diyos sa huling araw, tulad ng ginawa niya sa ating Panginoon.

15Hindi baʼt tayong mga mananampalataya ay bahagi ng katawan ni Kristo? Iyan ang dahilan kung bakit hindi talaga natin maaaring gamitin ang ating katawan, na bahagi ng katawan ni Kristo, sa pakikipagtalik sa babaeng bayaran.

16Hindi baʼt ang nakikipagtalik sa ganoong uri ng babae ay nagiging kaisang-katawan na niya? Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, “Silang dalawaʼy magiging isa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.