2Hindi ba ninyo alam na tayong mga hinirang ang hahatol sa mga tao sa mundo? At kung tayo ang hahatol sa mundo, wala ba kayong kakayahang hatulan ang maliliit na bagay na iyan?
3Hindi ba ninyo alam na hahatulan natin ang mga anghel? At tiyak na mas kaya ninyong lutasin ang karaniwang alitan sa buhay na ito.
4Kaya kung mayroon kayong mga alitan, bakit dinadala niya ito sa hukom na hindi mananampalataya sa Diyos?
5Mahiya naman kayo! Wala na ba talagang marurunong sa inyo na may kakayahang umayos ng inyong alitan?
6Ang nangyayari, nagdedemandahan ang magkakapatid sa Panginoon, at sa harapan pa ng mga hindi mananampalataya!