3Hindi ba ninyo alam na hahatulan natin ang mga anghel? At tiyak na mas kaya ninyong lutasin ang karaniwang alitan sa buhay na ito.
4Kaya kung mayroon kayong mga alitan, bakit dinadala niya ito sa hukom na hindi mananampalataya sa Diyos?
5Mahiya naman kayo! Wala na ba talagang marurunong sa inyo na may kakayahang umayos ng inyong alitan?
6Ang nangyayari, nagdedemandahan ang magkakapatid sa Panginoon, at sa harapan pa ng mga hindi mananampalataya!
7Kayo mismo ang talo sa pagkakaroon ninyo ng mga kaso laban sa isaʼt isa. Bakit hindi na lamang ninyo tiisin ang mga gumagawa ng masama at nandaraya sa inyo?