1 Mga Taga-Corinto 7

Sa iba naman, ito ang masasabi ko (itoʼy opinyon ko lamang; walang sinabi ang Panginoon tungkol dito): Kung ang isang mananampalatayang lalaki ay may asawa na hindi mananampalataya na gusto namang magsama sila, hindi niya dapat hiwalayan ang babae.

1 Corinthians 7:12 (UKJV) But to the rest speak I, not the Lord: If any brother has a wife that believes not, and she be pleased to dwell with him, let him not put her away.

10Ngayon, sa inyong mga may asawa, may utos ako na sinabi mismo ng Panginoon: Hindi dapat hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, at ganoon din naman ang babae sa kanyang asawa. Ngunit kung hihiwalay ang babae sa kanyang asawa, dapat manatili siyang walang asawa o di kayaʼy bumalik na lamang sa kanyang asawa.

12Sa iba naman, ito ang masasabi ko (itoʼy opinyon ko lamang; walang sinabi ang Panginoon tungkol dito): Kung ang isang mananampalatayang lalaki ay may asawa na hindi mananampalataya na gusto namang magsama sila, hindi niya dapat hiwalayan ang babae.

13At kung ang isang babae naman ay may asawang hindi mananampalataya na gusto namang magsama sila, hindi niya dapat hiwalayan ang lalaki.

14Sapagkat ang lalaking hindi mananampalataya ay nagiging banal dahil sa kanyang mananampalatayang asawa, at ang babaeng hindi mananampalataya ay nagiging banal dahil sa kanyang mananampalatayang asawa. Dahil kung hindi, ang mga anak nila ay ituturing na marumi sa paningin ng Diyos. Ngunit sa katunayan, itinuturing silang banal ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.