1 Mga Taga-Corinto 7

at dahil dito, hati ang kanyang isipan. Ganoon din naman sa mga babae. Kung ang isang babae ay walang asawa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang paglilingkod sa Panginoon, at nais niyang ilaan ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa kanya. Ngunit ang babaeng may asawa ay abala sa mga bagay dito sa mundo, at kung paano niya mapapaligaya ang kanyang asawa.

1 Corinthians 7:34 (UKJV) There is difference also between a wife and a virgin. The unmarried woman cares for the things of the Lord, that she may be holy both in body and in spirit: but she that is married cares for the things of the world, how she may please her husband.

32Gusto ko sanang wala kayong inaalala. Kapag ang isang lalaki ay walang asawa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang kanyang paglilingkod sa Panginoon at kung paano siya magiging kalugod-lugod sa kanya.

33Ngunit ang lalaking may asawa ay abala sa mga bagay dito sa mundo – kung paano niya mapapaligaya ang kanyang asawa –

34at dahil dito, hati ang kanyang isipan. Ganoon din naman sa mga babae. Kung ang isang babae ay walang asawa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang paglilingkod sa Panginoon, at nais niyang ilaan ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa kanya. Ngunit ang babaeng may asawa ay abala sa mga bagay dito sa mundo, at kung paano niya mapapaligaya ang kanyang asawa.

35Sinasabi ko lamang ito para sa inyong kabutihan; hindi ko kayo pinagbabawalang mag-asawa. Ang gusto ko lamang ay hanggaʼt maaari, maging maayos at walang hadlang ang inyong paglilingkod sa Panginoon.

36Ngayon, kung sa palagay ng isang lalaki ay hindi tama ang ikinikilos niya sa kanyang nobya dahil sa matinding pagnanasa, at kung sa palagay niyaʼy dapat na silang magpakasal, mas mabuti ngang gawin niya iyon. Hindi ito kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.