31at ang mga gumagamit ng mga bagay dito sa mundo ay hindi dapat mawili sa mga bagay na ito, dahil ang mga bagay sa mundong ito ay lilipas.
32Gusto ko sanang wala kayong inaalala. Kapag ang isang lalaki ay walang asawa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang kanyang paglilingkod sa Panginoon at kung paano siya magiging kalugod-lugod sa kanya.
33Ngunit ang lalaking may asawa ay abala sa mga bagay dito sa mundo – kung paano niya mapapaligaya ang kanyang asawa –
34at dahil dito, hati ang kanyang isipan. Ganoon din naman sa mga babae. Kung ang isang babae ay walang asawa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang paglilingkod sa Panginoon, at nais niyang ilaan ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa kanya. Ngunit ang babaeng may asawa ay abala sa mga bagay dito sa mundo, at kung paano niya mapapaligaya ang kanyang asawa.
35Sinasabi ko lamang ito para sa inyong kabutihan; hindi ko kayo pinagbabawalang mag-asawa. Ang gusto ko lamang ay hanggaʼt maaari, maging maayos at walang hadlang ang inyong paglilingkod sa Panginoon.