1 Mga Taga-Corinto 7

Ngunit kung nagpasya ang lalaki na hindi na lang niya pakakasalan ang kanyang nobya, at hindi na lamang siya mag-aasawa dahil kaya naman niyang magpigil sa sarili, mabuti rin ang kanyang ginagawa.

1 Corinthians 7:37 (UKJV) Nevertheless he that stands steadfast in his heart, having no necessity, but has power over his own will, and has so decreed in his heart that he will keep his virgin, does well.

35Sinasabi ko lamang ito para sa inyong kabutihan; hindi ko kayo pinagbabawalang mag-asawa. Ang gusto ko lamang ay hanggaʼt maaari, maging maayos at walang hadlang ang inyong paglilingkod sa Panginoon.

36Ngayon, kung sa palagay ng isang lalaki ay hindi tama ang ikinikilos niya sa kanyang nobya dahil sa matinding pagnanasa, at kung sa palagay niyaʼy dapat na silang magpakasal, mas mabuti ngang gawin niya iyon. Hindi ito kasalanan.

37Ngunit kung nagpasya ang lalaki na hindi na lang niya pakakasalan ang kanyang nobya, at hindi na lamang siya mag-aasawa dahil kaya naman niyang magpigil sa sarili, mabuti rin ang kanyang ginagawa.

38Kaya mabuti kung mag-aasawa siya, ngunit mas mabuti kung hindi.

39Ang babae ay nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay pa ito. Ngunit kung patay na ang kanyang asawa, malaya na siyang mag-asawang muli ng sinumang gusto niya, pero dapat sa isa ring mananampalataya sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.