1 Mga Taga-Corinto 9

Alam ba ninyong isa lamang ang nananalo sa isang paligsahan kahit na marami ang sumasali dito? Kaya pagbutihin ninyo ang pagtakbo para makamit ninyo ang gantimpala.

1 Corinthians 9:24 (UKJV) Know all of you not that they which run in a race run all, but one receives the prize? So run, that all of you may obtain.

22Sa mga mahihina ang pananampalataya, nakikibagay ako upang mapatatag ko ang kanilang pananampalataya. Nakikibagay ako sa lahat ng tao, para sa kahit anong paraan ay mailigtas ko ang ilan sa kanila.

23Ginagawa ko ang lahat ng ito sa ikalalaganap ng Magandang Balita, upang makabahagi rin ako sa mga pagpapala nito.

24Alam ba ninyong isa lamang ang nananalo sa isang paligsahan kahit na marami ang sumasali dito? Kaya pagbutihin ninyo ang pagtakbo para makamit ninyo ang gantimpala.

25Ang bawat manlalaro ay nagsasanay nang mabuti at dinidisiplina ang sarili para makamit ang gantimpala. Ginagawa niya ito para sa gantimpalang hindi nagtatagal. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay magtatagal magpakailanman.

26Kaya nga, may direksiyon ang aking pagtakbo. Hindi lamang ako sumusuntok sa hangin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.