1 Juan 1

Ang ipinapahayag namin sa inyo ay ang tungkol sa kanya na naroon na mula pa nang pasimula. Narinig namin siya, at nakita. Napagmasdan namin siya ng aming sariling mga mata at nahawakan ng aming mga kamay. Siya ang Salitang nagbibigay ng buhay.

1 John 1:1 (UKJV) That which was from the beginning, which we have heard, which we have seen with our eyes, which we have looked upon, and our hands have handled, of the Word of life;

1Ang ipinapahayag namin sa inyo ay ang tungkol sa kanya na naroon na mula pa nang pasimula. Narinig namin siya, at nakita. Napagmasdan namin siya ng aming sariling mga mata at nahawakan ng aming mga kamay. Siya ang Salitang nagbibigay ng buhay.

2Siya na nagbibigay ng buhay ay nahayag, at aming nakita at pinapatotohanan. Ipinapangaral namin sa inyo ang nahayag sa amin – ang buhay na walang hanggan na kasama ng Ama.

3Ipinapahayag namin sa inyo ang aming nakita at narinig upang maging kaisa namin kayo sa pakikiisa namin sa Ama at sa kanyang Anak na si Hesu-Kristo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.