1 Juan 1

Siya na nagbibigay ng buhay ay nahayag, at aming nakita at pinapatotohanan. Ipinapangaral namin sa inyo ang nahayag sa amin – ang buhay na walang hanggan na kasama ng Ama.

1 John 1:2 (UKJV) (For the life was manifested, and we have seen it, and bear witness, and show unto you that eternal life, which was with the Father, and was manifested unto us;)

1Ang ipinapahayag namin sa inyo ay ang tungkol sa kanya na naroon na mula pa nang pasimula. Narinig namin siya, at nakita. Napagmasdan namin siya ng aming sariling mga mata at nahawakan ng aming mga kamay. Siya ang Salitang nagbibigay ng buhay.

2Siya na nagbibigay ng buhay ay nahayag, at aming nakita at pinapatotohanan. Ipinapangaral namin sa inyo ang nahayag sa amin – ang buhay na walang hanggan na kasama ng Ama.

3Ipinapahayag namin sa inyo ang aming nakita at narinig upang maging kaisa namin kayo sa pakikiisa namin sa Ama at sa kanyang Anak na si Hesu-Kristo.

4Isinusulat namin ito upang maging ganap ang aming kagalakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.