1 Juan 2

Totoong naging kasama natin sila dati, ngunit hindi sila tunay na kabilang sa atin. Sapagkat kung tunay ngang kabilang sila sa atin, nanatili sana sila. Ngunit ang pag-alis nilaʼy nagpapakita na hindi talaga sila kabilang sa atin.

1 John 2:19 (UKJV) They went out from us, but they were not of us; for if they had been of us, they would no doubt have continued with us: but they went out, that they might be made manifest that they were not all of us.

17Ang mundo at lahat ng bagay dito na pinagnanasahan ng tao ay maglalaho, ngunit ang taong sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.

18Mga minamahal kong anak, nasa mga huling araw na tayo, at tulad ng narinig ninyo, malapit na ang pagdating ng anti-Kristo. Kahit ngayon ay marami nang naglilitawang mga anti-Kristo, kaya alam nating nasa mga huling araw na tayo.

19Totoong naging kasama natin sila dati, ngunit hindi sila tunay na kabilang sa atin. Sapagkat kung tunay ngang kabilang sila sa atin, nanatili sana sila. Ngunit ang pag-alis nilaʼy nagpapakita na hindi talaga sila kabilang sa atin.

20Subalit kayoʼy hindi tulad nila, sapagkat ipinagkaloob sa inyo ang Banal na Espiritu, kaya alam ninyong lahat ang katotohanan.

21Sumusulat ako sa inyo, hindi dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan kundi dahil alam nʼyo na, at alam din ninyong walang kasinungalingan na maaaring magmula sa katotohanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.