19Totoong naging kasama natin sila dati, ngunit hindi sila tunay na kabilang sa atin. Sapagkat kung tunay ngang kabilang sila sa atin, nanatili sana sila. Ngunit ang pag-alis nilaʼy nagpapakita na hindi talaga sila kabilang sa atin.
20Subalit kayoʼy hindi tulad nila, sapagkat ipinagkaloob sa inyo ang Banal na Espiritu, kaya alam ninyong lahat ang katotohanan.
21Sumusulat ako sa inyo, hindi dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan kundi dahil alam nʼyo na, at alam din ninyong walang kasinungalingan na maaaring magmula sa katotohanan.
22At sino nga ba ang sinungaling? Hindi baʼt ang sinumang nagsasabing hindi si Hesus ang Kristo? Ang taong iyon ang anti-Kristo dahil hindi niya kinikilala ang Ama at ang Anak.
23Ang taong hindi kumikilala sa Anak, hindi sumasakanya ang Ama. Ngunit ang taong kumikilala sa Anak, sumasakanya ang Ama.