1 Juan 2

Pakaingatan nʼyo ang mga natutunan nʼyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya. Kung gagawin nʼyo ito, mananatili kayo sa Anak at sa Ama.

1 John 2:24 (UKJV) Let that therefore abide in you, which all of you have heard from the beginning. If that which all of you have heard from the beginning shall remain in you, all of you also shall continue in the Son, and in the Father.

22At sino nga ba ang sinungaling? Hindi baʼt ang sinumang nagsasabing hindi si Hesus ang Kristo? Ang taong iyon ang anti-Kristo dahil hindi niya kinikilala ang Ama at ang Anak.

23Ang taong hindi kumikilala sa Anak, hindi sumasakanya ang Ama. Ngunit ang taong kumikilala sa Anak, sumasakanya ang Ama.

24Pakaingatan nʼyo ang mga natutunan nʼyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya. Kung gagawin nʼyo ito, mananatili kayo sa Anak at sa Ama.

25Sapagkat ito ang buhay na walang hanggan na ipinangako ni Kristo sa atin.

26Isinusulat ko sa inyo ang tungkol sa mga taong nanlilinlang sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.