1 Juan 2

Mga minamahal, hindi na bago itong utos na isinusulat ko kundi dati na. Ang utos na ito, na magmahalan kayo, ay ang mismong mensaheng narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya.

1 John 2:7 (UKJV) Brethren, I write no new commandment unto you, but an old commandment which all of you had from the beginning. The old commandment is the word which all of you have heard from the beginning.

5Ngunit ang sinumang sumusunod sa salita ng Diyos, ganap na natupad sa kanya ang pag-ibig ng Diyos. At sa ganitong paraan natin malalaman na tayoʼy nasa kanya:

6Ang sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos, dapat siyang mamuhay kung paanong namuhay si Hesu-Kristo.

7Mga minamahal, hindi na bago itong utos na isinusulat ko kundi dati na. Ang utos na ito, na magmahalan kayo, ay ang mismong mensaheng narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya.

8Sa kabilang banda, masasabi ko ring bago ang utos na ito dahil lumilipas na ang kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. At ang katotohanang itoʼy nasaksihan sa buhay ni Kristo at maging sa inyo.

9Ang sinumang nagsasabing siyaʼy nasa liwanag ngunit kinakamuhian naman ang kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa rin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.