1 Juan 2

Ngunit ang sinumang sumusunod sa salita ng Diyos, ganap na natupad sa kanya ang pag-ibig ng Diyos. At sa ganitong paraan natin malalaman na tayoʼy nasa kanya:

1 John 2:5 (UKJV) But whoso keeps his word, in him verily is the love of God perfected: hereby know we that we are in him.

3Nakatitiyak tayong kilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos.

4Ang sinumang nagsasabing, “Kilala ko ang Diyos,” ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan.

5Ngunit ang sinumang sumusunod sa salita ng Diyos, ganap na natupad sa kanya ang pag-ibig ng Diyos. At sa ganitong paraan natin malalaman na tayoʼy nasa kanya:

6Ang sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos, dapat siyang mamuhay kung paanong namuhay si Hesu-Kristo.

7Mga minamahal, hindi na bago itong utos na isinusulat ko kundi dati na. Ang utos na ito, na magmahalan kayo, ay ang mismong mensaheng narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.