10Ang sinumang sumasampalataya sa Anak ng Diyos, isinasapuso niya ang patotoong ito. Ang sinumang hindi naniniwala sa patotoong ito ay ginagawang sinungaling ang Diyos dahil hindi niya pinapaniwalaan ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak.
11At ito ang patotoo ng Diyos: Binigyan niya tayo ng buhay na walang hanggan, at ang pinagmulan ng buhay na itoʼy ang kanyang Anak.
12Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay walang buhay na walang hanggan.
13Isinusulat ko ito sa inyo na mga sumasampalataya sa Anak ng Diyos upang malaman ninyong mayroon kayong buhay na walang hanggan.
14Ito ang kapanatagan natin sa paglapit natin sa Diyos: Pakikinggan niya tayo sa anumang hilingin natin ayon sa kanyang kalooban.