1 Juan 5

Ang sinumang sumasampalataya sa Anak ng Diyos, isinasapuso niya ang patotoong ito. Ang sinumang hindi naniniwala sa patotoong ito ay ginagawang sinungaling ang Diyos dahil hindi niya pinapaniwalaan ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak.

1 John 5:10 (UKJV) He that believes on the Son of God has the witness in himself: he that believes not God has made him a liar; because he believes not the record that God gave of his Son.

8ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. At ang tatlong itoʼy nagkakaisa.

9Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, higit pa nating dapat tanggapin ang patotoo ng Diyos, sapagkat siya mismo ang nagpatotoo tungkol sa kanyang Anak.

10Ang sinumang sumasampalataya sa Anak ng Diyos, isinasapuso niya ang patotoong ito. Ang sinumang hindi naniniwala sa patotoong ito ay ginagawang sinungaling ang Diyos dahil hindi niya pinapaniwalaan ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak.

11At ito ang patotoo ng Diyos: Binigyan niya tayo ng buhay na walang hanggan, at ang pinagmulan ng buhay na itoʼy ang kanyang Anak.

12Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay walang buhay na walang hanggan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.