1 Juan 5

Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, higit pa nating dapat tanggapin ang patotoo ng Diyos, sapagkat siya mismo ang nagpatotoo tungkol sa kanyang Anak.

1 John 5:9 (UKJV) If we receive the witness of men, the witness of God is greater: for this is the witness of God which he has testified of his Son.

7Kaya may tatlong nagpapatotoo tungkol kay Hesus:

8ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. At ang tatlong itoʼy nagkakaisa.

9Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, higit pa nating dapat tanggapin ang patotoo ng Diyos, sapagkat siya mismo ang nagpatotoo tungkol sa kanyang Anak.

10Ang sinumang sumasampalataya sa Anak ng Diyos, isinasapuso niya ang patotoong ito. Ang sinumang hindi naniniwala sa patotoong ito ay ginagawang sinungaling ang Diyos dahil hindi niya pinapaniwalaan ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak.

11At ito ang patotoo ng Diyos: Binigyan niya tayo ng buhay na walang hanggan, at ang pinagmulan ng buhay na itoʼy ang kanyang Anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.