1 Juan 5

Kaya may tatlong nagpapatotoo tungkol kay Hesus:

1 John 5:7 (UKJV) For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Spirit: and these three are one.

5At sino nga ba ang nagtatagumpay laban sa mundo? Walang iba kundi ang sumasampalataya na si Hesus ang Anak ng Diyos.

6Si Hesu-Kristo ang pumarito sa mundo sa pamamagitan ng tubig nang magpabautismo siya at sa pamamagitan ng dugo nang mamatay siya. Hindi lang sa pamamagitan ng tubig, kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. At ang mga bagay na itoʼy pinatotohanan sa atin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.

7Kaya may tatlong nagpapatotoo tungkol kay Hesus:

8ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. At ang tatlong itoʼy nagkakaisa.

9Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, higit pa nating dapat tanggapin ang patotoo ng Diyos, sapagkat siya mismo ang nagpatotoo tungkol sa kanyang Anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.