14Ito ang kapanatagan natin sa paglapit natin sa Diyos: Pakikinggan niya tayo sa anumang hilingin natin ayon sa kanyang kalooban.
15At kung alam nating pinakikinggan tayo ng Diyos, nakakatiyak tayong matatanggap natin ang anumang hilingin natin.
16Kung nakikita ninyo ang inyong kapatid na gumagawa ng kasalanang hindi hahantong sa kamatayan, ipanalangin ninyo siya, at siya ay bibigyan ng Diyos ng bagong buhay. Ito ay para lamang sa mga nakagawa ng kasalanang hindi hahantong sa kamatayan. May mga kasalanang hahantong sa kamatayan, ngunit hindi tungkol dito ang sinasabi kong ipanalangin ninyo.
17Ang lahat ng masasamang gawa ay kasalanan, ngunit may kasalanang hindi hahantong sa kamatayan.
18Alam nating ang sinumang naging anak ng Diyos ay hindi na nagpapatuloy sa kasalanan, sapagkat iniingatan siya ng Anak ng Diyos at hindi siya maaaring saktan ng diyablo.