19At alam nating tayoʼy mga anak ng Diyos, at ang buong mundo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng diyablo.
20Alam din nating ang Anak ng Diyos ay pumarito sa mundo, at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos. At tayo nga ay nakikiisa sa tunay na Diyos sa pamamagitan ng kanyang anak na si Hesu-Kristo. Siya ang tunay na Diyos, at ang pinagmulan ng buhay na walang hanggan.
21Mga anak, lumayo kayo sa mga diyos-diyosan.