30na tutuparin ko ngayon ang pangako ko sa iyo sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, na si Solomon na ating anak ang siyang papalit sa akin bilang hari.”
31Nagpatirapa agad si Batsheba, at sinabi, “Mabuhay kayo magpakailanman, Mahal na Haring David!”
32Sinabi ni Haring David, “Papuntahin dito ang paring si Sadoc, ang propetang si Natan at si Benaias na anak ni Jehoiada.” Kaya pumunta sila sa hari.
33At sinabi ng hari sa kanila, “Pasakayin ninyo ang anak kong si Solomon sa aking mola at dalhin ninyo siya sa Gihon kasama ang aking mga pinuno.
34Pagdating ninyo doon, papahiran ng paring si Sadoc at ng propetang si Natan ang ulo ni Solomon ng langis para ipakita na siya ang pinili kong maging hari ng Israel. Pagkatapos, patunugin nʼyo ang trumpeta at isigaw, ‘Mabuhay si Haring Solomon!’