1 Mga Hari 1

At sinabi ng hari sa kanila, “Pasakayin ninyo ang anak kong si Solomon sa aking mola at dalhin ninyo siya sa Gihon kasama ang aking mga pinuno.

1 Kings 1:33 (UKJV) The king also said unto them, Take with you the servants of your lord, and cause Solomon my son to ride upon mine own mule, and bring him down to Gihon:

31Nagpatirapa agad si Batsheba, at sinabi, “Mabuhay kayo magpakailanman, Mahal na Haring David!”

32Sinabi ni Haring David, “Papuntahin dito ang paring si Sadoc, ang propetang si Natan at si Benaias na anak ni Jehoiada.” Kaya pumunta sila sa hari.

33At sinabi ng hari sa kanila, “Pasakayin ninyo ang anak kong si Solomon sa aking mola at dalhin ninyo siya sa Gihon kasama ang aking mga pinuno.

34Pagdating ninyo doon, papahiran ng paring si Sadoc at ng propetang si Natan ang ulo ni Solomon ng langis para ipakita na siya ang pinili kong maging hari ng Israel. Pagkatapos, patunugin nʼyo ang trumpeta at isigaw, ‘Mabuhay si Haring Solomon!’

35Pagkatapos, samahan nʼyo siya pabalik dito, uupo siya sa aking trono at papalit sa akin bilang hari. Siya ang pinili ko na mamamahala sa buong Israel at Juda.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.