33At sinabi ng hari sa kanila, “Pasakayin ninyo ang anak kong si Solomon sa aking mola at dalhin ninyo siya sa Gihon kasama ang aking mga pinuno.
34Pagdating ninyo doon, papahiran ng paring si Sadoc at ng propetang si Natan ang ulo ni Solomon ng langis para ipakita na siya ang pinili kong maging hari ng Israel. Pagkatapos, patunugin nʼyo ang trumpeta at isigaw, ‘Mabuhay si Haring Solomon!’
35Pagkatapos, samahan nʼyo siya pabalik dito, uupo siya sa aking trono at papalit sa akin bilang hari. Siya ang pinili ko na mamamahala sa buong Israel at Juda.”
36Sumagot si Benaias na anak ni Jehoiada, “Gagawin po namin iyan! Mahal na Hari, nawaʼy ang Panginoon na inyong Diyos ang magpatunay nito.
37Kung paano kayo sinamahan ng Panginoon, samahan din sana niya si Solomon at gawin niyang mas matagumpay pa ang paghahari niya kaysa sa inyong paghahari.”