1 Mga Hari 1

Kaya lumakad na ang paring si Sadoc, ang propetang si Natan, si Benaias na anak ni Jehoiada, at ang mga Kereteo at Peleteo. Pinasakay nila si Solomon sa mola ni Haring David at dinala sa Gihon.

1 Kings 1:38 (UKJV) So Zadok the priest, and Nathan the prophet, and Benaiah the son of Jehoiada, and the Cherethites, and the Pelethites, went down, and caused Solomon to ride upon king David's mule, and brought him to Gihon.

36Sumagot si Benaias na anak ni Jehoiada, “Gagawin po namin iyan! Mahal na Hari, nawaʼy ang Panginoon na inyong Diyos ang magpatunay nito.

37Kung paano kayo sinamahan ng Panginoon, samahan din sana niya si Solomon at gawin niyang mas matagumpay pa ang paghahari niya kaysa sa inyong paghahari.”

38Kaya lumakad na ang paring si Sadoc, ang propetang si Natan, si Benaias na anak ni Jehoiada, at ang mga Kereteo at Peleteo. Pinasakay nila si Solomon sa mola ni Haring David at dinala sa Gihon.

39Pagdating nila roon, kinuha ni Sadoc sa banal na tolda ang langis na nasa loob ng sisidlang sungay, at pinahiran niya si Solomon sa ulo. Pinatunog nila ang trumpeta at sumigaw silang lahat, “Mabuhay si Haring Solomon!”

40Inihatid si Haring Solomon ng mga tao pauwi sa Jerusalem na nagkakasayahan at tumutugtog ng mga plauta. Nayanig ang lupa sa ingay nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.