1 Mga Hari 1

Pinapunta niya ito sa Gihon kasama ang paring si Sadoc, ang propetang si Natan, si Benaias na anak ni Jehoiada at ang kanyang mga personal na tagapagbantay na mga Kereteo at Peleteo. Pinasakay pa nila si Solomon sa mola ng hari.

1 Kings 1:44 (UKJV) And the king has sent with him Zadok the priest, and Nathan the prophet, and Benaiah the son of Jehoiada, and the Cherethites, and the Pelethites, and they have caused him to ride upon the king's mule:

42Habang nagsasalita siya, dumating si Jonatan na anak ng paring si Abiatar. Sinabi ni Adonias, “Pumasok ka dahil mabuti kang tao, at tiyak kong may dala kang magandang balita.”

43Sumagot si Jonatan, “Hindi ito magandang balita, dahil ginawang hari ni Haring David si Solomon.

44Pinapunta niya ito sa Gihon kasama ang paring si Sadoc, ang propetang si Natan, si Benaias na anak ni Jehoiada at ang kanyang mga personal na tagapagbantay na mga Kereteo at Peleteo. Pinasakay pa nila si Solomon sa mola ng hari.

45Pagdating nila sa Gihon, pinahiran siya ng langis nina Sadoc at Natan para ipakitang siya ang piniling hari. Kababalik lang nila, kaya nga nagkakasayahan ang mga tao sa lungsod. Iyan ang mga ingay na inyong naririnig.

46At ngayon, si Solomon na ang nakaupo sa trono bilang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.