1 Mga Hari 10

Nakaipon si Solomon ng labing-apat na libong mga karwahe at labindalawang libong kabayo. Inilagay niya ang iba nito sa mga lungsod na taguan ng kanyang mga karwahe, at ang ibaʼy doon sa Jerusalem.

1 Kings 10:26 (UKJV) And Solomon gathered together chariots and horsemen: and he had a thousand and four hundred chariots, and twelve thousand horsemen, whom he bestowed in the cities for chariots, and with the king at Jerusalem.

24Ang mga tao sa mundo ay naghahangad na makita si Solomon upang mapakinggan ang karunungan na ibinigay ng Diyos sa kanya.

25Taon-taon, ang bawat dumadalaw sa kanya ay may dalang mga regalo, mga bagay na gawa sa pilak at ginto, mga damit, mga sandata, ibaʼt ibang uri ng pabango, mga kabayo at mga mola.

26Nakaipon si Solomon ng labing-apat na libong mga karwahe at labindalawang libong kabayo. Inilagay niya ang iba nito sa mga lungsod na taguan ng kanyang mga karwahe, at ang ibaʼy doon sa Jerusalem.

27Noong panahong siya ang hari, ang pilak sa Jerusalem ay tulad lang ng mga pangkaraniwang bato, at ang kahoy na sedro ay parang kasindami ng mga pangkaraniwang puno ng sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.

28Ang mga kabayo ni Haring Solomon ay galing pa sa Ehipto at sa Que. Binili ito sa Kue ng kanyang mga tagabili sa tamang halaga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.