26Nakaipon si Solomon ng labing-apat na libong mga karwahe at labindalawang libong kabayo. Inilagay niya ang iba nito sa mga lungsod na taguan ng kanyang mga karwahe, at ang ibaʼy doon sa Jerusalem.
27Noong panahong siya ang hari, ang pilak sa Jerusalem ay tulad lang ng mga pangkaraniwang bato, at ang kahoy na sedro ay parang kasindami ng mga pangkaraniwang puno ng sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.
28Ang mga kabayo ni Haring Solomon ay galing pa sa Ehipto at sa Que. Binili ito sa Kue ng kanyang mga tagabili sa tamang halaga.
29Nang panahong iyon, ang halaga ng karwahe na mula sa Ehipto ay animnaraang pirasong pilak at ang kabayo ay 150 pirasong pilak. Ipinagbili rin nila ito sa lahat ng hari ng mga Heteo at mga Arameo.