1 Mga Hari 11

Kukunin ko ang kaharian sa kanyang anak na papalit sa kanya bilang hari, at ibibigay ko ang sampung lahi ng Israel saʼyo.

1 Kings 11:35 (UKJV) But I will take the kingdom out of his son's hand, and will give it unto you, even ten tribes.

33Gagawin ko ito dahil tinalikuran niya ako at sinamba si Astoret, ang diyosa ng mga Sidoneo, si Cemos, ang diyos ng mga Moabita at si Molec, ang diyos ng mga Amonita. Hindi siya sumunod sa aking mga pamamaraan at hindi siya namuhay nang matuwid sa aking paningin. Hindi siya tumupad sa aking mga tuntunin at mga utos; hindi tulad ng ama niyang si David.

34“ ‘Subalit hindi ko kukunin ang buong kaharian kay Solomon. Maghahari siya sa buong buhay niya dahil sa pinili kong lingkod na si David, na tumupad sa aking mga utos at mga tuntunin.

35Kukunin ko ang kaharian sa kanyang anak na papalit sa kanya bilang hari, at ibibigay ko ang sampung lahi ng Israel saʼyo.

36Bibigyan ko ng isang lahi ang kanyang anak upang ang angkan ni David na aking lingkod ay magpapatuloy sa paghahari sa Jerusalem, ang lungsod na aking pinili para parangalan ang aking Pangalan.

37At ikaw naman ay gagawin kong hari ng Israel. Pamamahalaan mo ang lahat ng gusto mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.