39Dahil sa mga kasalanan ni Solomon, parurusahan ko ang mga angkan ni David, pero hindi panghabang buhay.’ ”
40Nang malaman ito ni Solomon, pinagsikapan niyang patayin si Jeroboam, ngunit tumakas ito at pumunta kay Haring Shishak ng Ehipto at doon siya tumira hanggang mamatay si Solomon.
41Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Solomon, at ang lahat ng ginawa niya, at ang tungkol sa kanyang karunungan ay nakasulat sa Aklat ng mga Gawa ni Solomon.
42Sa Jerusalem tumira si Solomon habang naghahari siya sa buong Israel sa loob ng apatnapung taon.
43Nang mamatay siya, inilibing siya sa lungsod ng ama niyang si David. At ang anak niyang si Rehoboam ang pumalit sa kanya bilang hari.