1 Mga Hari 14

Parurusahan ng Panginoon ang Israel hanggang sa manginig ito tulad ng talahib na iwinawasiwas ng agos ng tubig. Aalisin niya sila sa magandang lupaing ito, na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno, at ikakalat niya sila sa gawing silangan ng Ilog Eufrates dahil ginalit nila Panginoon nang gumawa sila ng mga posteng imahen ng diyosang si Ashera.

1 Kings 14:15 (UKJV) For the LORD shall strike Israel, as a reed is shaken in the water, and he shall root up Israel out of this good land, which he gave to their fathers, and shall scatter them beyond the river, because they have made their groves, provoking the LORD to anger.

13Ipagluluksa siya ng buong Israel at ililibing. Siya lang sa sambahayan ni Jeroboam ang maililibing nang maayos, dahil siya lang sa sambahayan ni Jeroboam ang kinalugdan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.

14“At sa panahong ito, maglalagay ang Panginoon ng hari sa Israel na siyang uubos sa sambahayan ni Jeroboam.

15Parurusahan ng Panginoon ang Israel hanggang sa manginig ito tulad ng talahib na iwinawasiwas ng agos ng tubig. Aalisin niya sila sa magandang lupaing ito, na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno, at ikakalat niya sila sa gawing silangan ng Ilog Eufrates dahil ginalit nila Panginoon nang gumawa sila ng mga posteng imahen ng diyosang si Ashera.

16Pababayaan niya sila dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel.”

17Pagkatapos, umuwi ang asawa ni Jeroboam sa Tirza. Pagdating niya sa pintuan ng bahay nila, namatay agad ang kanyang anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.