1 Mga Hari 14

Si Rehoboam na anak ni Solomon ang hari sa Juda. Apatnapuʼt isang taóng gulang siya nang maging hari. Naghari siya sa loob ng labimpitong taon sa Jerusalem, ang lungsod na pinili ng Panginoon sa lahat ng lahi ng Israel, upang doon siya pararangalan. Ang ina ni Rehoboam ay si Naama na Amonita.

1 Kings 14:21 (UKJV) And Rehoboam the son of Solomon reigned in Judah. Rehoboam was forty and one years old when he began to reign, and he reigned seventeen years in Jerusalem, the city which the LORD did choose out of all the tribes of Israel, to put his name there. And his mother's name was Naamah an Ammonitess.

19Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jeroboam, pati na ang kanyang pakikipaglaban ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

20Naghari si Jeroboam sa Israel sa loob ng dalawampuʼt dalawang taon. Nang mamatay siya, ang anak niyang si Nadab ang pumalit sa kanya bilang hari.

21Si Rehoboam na anak ni Solomon ang hari sa Juda. Apatnapuʼt isang taóng gulang siya nang maging hari. Naghari siya sa loob ng labimpitong taon sa Jerusalem, ang lungsod na pinili ng Panginoon sa lahat ng lahi ng Israel, upang doon siya pararangalan. Ang ina ni Rehoboam ay si Naama na Amonita.

22Gumawa ng kasamaan ang mga mamamayan ng Juda sa paningin ng Panginoon, at mas matindi pa ang galit ng Panginoon sa kanila kaysa sa kanilang mga ninuno, dahil mas matindi ang mga kasalanan nila.

23Gumawa rin sila ng mga sambahan sa matataas na lugar at mga alaalang bato. At nagpatayo sila ng mga imahen ng diyosang si Ashera sa ibabaw ng bawat burol at sa lilim ng bawat malalagong punongkahoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.