20Naghari si Jeroboam sa Israel sa loob ng dalawampuʼt dalawang taon. Nang mamatay siya, ang anak niyang si Nadab ang pumalit sa kanya bilang hari.
21Si Rehoboam na anak ni Solomon ang hari sa Juda. Apatnapuʼt isang taóng gulang siya nang maging hari. Naghari siya sa loob ng labimpitong taon sa Jerusalem, ang lungsod na pinili ng Panginoon sa lahat ng lahi ng Israel, upang doon siya pararangalan. Ang ina ni Rehoboam ay si Naama na Amonita.
22Gumawa ng kasamaan ang mga mamamayan ng Juda sa paningin ng Panginoon, at mas matindi pa ang galit ng Panginoon sa kanila kaysa sa kanilang mga ninuno, dahil mas matindi ang mga kasalanan nila.
23Gumawa rin sila ng mga sambahan sa matataas na lugar at mga alaalang bato. At nagpatayo sila ng mga imahen ng diyosang si Ashera sa ibabaw ng bawat burol at sa lilim ng bawat malalagong punongkahoy.
24Bukod pa rito, may mga lalaki at babaeng bayaran sa lugar na pinagsasambahan nila. Ginawa ang mga mamamayan ng Juda ng lahat ng kasuklam-suklam na mga bagay na ginawa ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.