1 Mga Hari 14

Kinuha niya ang mga kayamanan sa Templo ng Panginoon at sa palasyo. Kinuha niya ang lahat, pati na rin ang lahat ng pananggalang na ginto na ipinagawa ni Solomon.

1 Kings 14:26 (UKJV) And he took away the treasures of the house of the LORD, and the treasures of the king's house; he even took away all: and he took away all the shields of gold which Solomon had made.

24Bukod pa rito, may mga lalaki at babaeng bayaran sa lugar na pinagsasambahan nila. Ginawa ang mga mamamayan ng Juda ng lahat ng kasuklam-suklam na mga bagay na ginawa ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.

25Nang ikalimang taon ng paghahari ni Rehoboam, nilusob ni Haring Shishak ng Ehipto ang Jerusalem.

26Kinuha niya ang mga kayamanan sa Templo ng Panginoon at sa palasyo. Kinuha niya ang lahat, pati na rin ang lahat ng pananggalang na ginto na ipinagawa ni Solomon.

27Kaya nagpagawa si Haring Rehoboam ng mga pananggalang na tanso na kapalit ng mga ito, at ipinamahala niya ito sa mga opisyal ng mga guwardiya na nagbabantay sa pintuan ng palasyo.

28At tuwing pumupunta ang hari sa Templo ng Panginoon, sumasama sa kanya ang mga tagapagbantay na dala ang mga pananggalang na ito, at pagkatapos, ibinabalik din nila ito sa silid kung saan itinatago ang mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.