1 Mga Hari 14

At tuwing pumupunta ang hari sa Templo ng Panginoon, sumasama sa kanya ang mga tagapagbantay na dala ang mga pananggalang na ito, at pagkatapos, ibinabalik din nila ito sa silid kung saan itinatago ang mga ito.

1 Kings 14:28 (UKJV) And it was so, when the king went into the house of the LORD, that the guard bare them, and brought them back into the guard chamber.

26Kinuha niya ang mga kayamanan sa Templo ng Panginoon at sa palasyo. Kinuha niya ang lahat, pati na rin ang lahat ng pananggalang na ginto na ipinagawa ni Solomon.

27Kaya nagpagawa si Haring Rehoboam ng mga pananggalang na tanso na kapalit ng mga ito, at ipinamahala niya ito sa mga opisyal ng mga guwardiya na nagbabantay sa pintuan ng palasyo.

28At tuwing pumupunta ang hari sa Templo ng Panginoon, sumasama sa kanya ang mga tagapagbantay na dala ang mga pananggalang na ito, at pagkatapos, ibinabalik din nila ito sa silid kung saan itinatago ang mga ito.

29Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Rehoboam, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga Hari sa Juda.

30Palaging naglalaban sila Rehoboam at Jeroboam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.