27Kaya nagpagawa si Haring Rehoboam ng mga pananggalang na tanso na kapalit ng mga ito, at ipinamahala niya ito sa mga opisyal ng mga guwardiya na nagbabantay sa pintuan ng palasyo.
28At tuwing pumupunta ang hari sa Templo ng Panginoon, sumasama sa kanya ang mga tagapagbantay na dala ang mga pananggalang na ito, at pagkatapos, ibinabalik din nila ito sa silid kung saan itinatago ang mga ito.
29Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Rehoboam, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga Hari sa Juda.
30Palaging naglalaban sila Rehoboam at Jeroboam.
31Nang mamatay si Rehoboam, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. (Ang ina ni Rehoboam ay si Naama na Amonita.) At ang anak niyang si Abiyam ang pumalit sa kanya bilang hari.