8Namatay si Abias at inilibing siya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Asa ang pumalit sa kanya bilang hari.
9Noong ikadalawampung taon ng paghahari ni Jeroboam sa Israel, naging hari ng Juda si Asa.
10Sa Jerusalem tumira si Asa at naghari siya sa loob ng apatnapuʼt isang taon. Ang lola niya ay si Maaca na apo ni Absalom.
11Matuwid ang ginawa ni Asa sa paningin ng Panginoon, katulad ni David na kanyang ninuno.
12Pinalayas niya sa Juda ang mga lalaki at babaeng nagbebenta ng aliw sa mga lugar na sambahan, at ipinatanggal ang lahat ng diyos-diyosang ipinagawa ng kanyang mga ninuno.