6Ang digmaan sa pagitan nina Abias at Jeroboam ay nagpatuloy sa buong buhay ni Abias.
7Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Abias, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. Palaging may digmaan sa pagitan nina Abias at Jeroboam.
8Namatay si Abias at inilibing siya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Asa ang pumalit sa kanya bilang hari.
9Noong ikadalawampung taon ng paghahari ni Jeroboam sa Israel, naging hari ng Juda si Asa.
10Sa Jerusalem tumira si Asa at naghari siya sa loob ng apatnapuʼt isang taon. Ang lola niya ay si Maaca na apo ni Absalom.