1 Mga Hari 15

Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Abias, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. Palaging may digmaan sa pagitan nina Abias at Jeroboam.

1 Kings 15:7 (UKJV) Now the rest of the acts of Abijam, and all that he did, are they not written in the book of the chronicles of the kings of Judah? And there was war between Abijam and Jeroboam.

5Sapagkat matuwid sa paningin ng Panginoon ang mga ginawa ni David, at hindi siya sumuway sa utos ng Panginoon noong nabubuhay pa siya, maliban lang sa ginawa niya kay Urias na Heteo.

6Ang digmaan sa pagitan nina Abias at Jeroboam ay nagpatuloy sa buong buhay ni Abias.

7Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Abias, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. Palaging may digmaan sa pagitan nina Abias at Jeroboam.

8Namatay si Abias at inilibing siya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Asa ang pumalit sa kanya bilang hari.

9Noong ikadalawampung taon ng paghahari ni Jeroboam sa Israel, naging hari ng Juda si Asa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.